Kabanata 50:

1078 Words

Kabanata 50: “Ito po ang kumot, unan at sapin. Pasensya na ho kayo at wala kaming magarang kama at kwarto,” hinging paumanhin ni Dencio matapos iabot sa kanila ang mga gagamitin para sa pagtulog. “Ayos lang po, salamat po sa pagpapatuloy ngayong gabi,” sagot ni Johnson. “O siya, mauuna na ako sa kwarto namin ng asawa ko. Magandang gabi sa inyong lahat,” paalam ni Dencio bago ito tuluyang umalis. Nag-umpisa na silang maglatag ng sapin sa sahig. Ayos naman ang sala, malaki at wala namang nangangagat na mga insekto. Ang problema lang ay sobrang lamig kaya kailangan nilang magtalukbong sa makapal na kumot. “Talagang bang sigurado kang ayos lang na tatlong lalaki ang kasama mong matulog ngayong gabi?” nag-aalalang tanong ni Johnson kay Brenda. Huminto si Brenda sa pag-aayos ng hihigaan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD