Kabanata 59:

1113 Words

Kabanata 59: Mabuti na lamang at nakahawak pa si Johnson sa isang batong nakausli, iyong baboy-ramo ay hindi pinalad, hindi nakaligtas. Nanginginig ang kamay ni Johnson dahil sa bigat ng sarili niyang katawan, may kaba sa kanyang dibdib ngunit mas nananaig ang bigat. Hirap na hirap siyang suportahan ang kanyang sarili. “Prinsipe Johnson!” narinig niyang sigaw ni Ulysses. Gusto niya sanang sumigaw at humingi ng tulong, pero hindi pala madali. Akala niya lang madali kagaya ng sa mga napapanuod niya sa drama. Kung sisigaw kasi siya ay tiyak na mababawasan ang pwersa na inihahawak niya sa bato.  “Prinsipe Johnson!” si Archer naman ngayon ang narinig niya. Ilang saglit pa ay nakita niya nang dumungaw si Ulysses at Archer. Kitang-kita niya ang takot at kaba sa mukha ng mga kasama niya. Kaag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD