****** 13 years ago... Kahit pa nabigyan ko na si Zach ng kambal na sampal at ipinakita kung gaano ako kagalit sa kan’ya ay hindi pa rin siya sumuko sa pagsuyo sa akin. Halos buong araw siyang nasa bahay namin naghihintay na kausapin ko. Kahit galit ay nakaramdam din naman ako ng konsensiya dahil sa aking pag-iwas sa kan’ya at sa hindi pakikinig sa kanyang panig, kaya isang araw ay napagpasyahan kong harapin na siya. Napag-isip-isip ko rin na baka pakana lang itong lahat ni Krista upang guluhin ang relasyon naming dalawa ni Zach lalo pa't halata na patay na patay ang babaeng iyon sa nobyo ko. Nagliwanag kaagad ang mukha ni Zach nang makita niya akong papalapit sa kan’ya. Mabilis niya akong nilapitan taglay ang ngiti na may halong pag-aalinlangan. Sumunod lang siya sa kin nang lumabas ak