Nang makalabas na rin ako sa wakas ay agad akong nagtago sa pader sa bandang likuran ng matandang nagtitinda ng kwek kwek. Dahil sa dami ng tao ay sigurado akong hindi na nila ako makikita at matutunton sa aking kinaroroonan. Hilam na ng luha ang aking mga mata na patuloy pa rin sa pag-agos subalit mabilis ko iyong pinahid upang mapagmasdan nang maigi ang paligid. Marami ang mga nagtitinda ng kung anu-ano kaya gano'n na rin karami ang mga tao. Umupo ako sa lupa. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod at bigat ng aking dibdib. Muli ay naglandas ang masaganang luha sa aking pisngi na agad ko rin namang pinunasan. Ngayon ay hindi ko na alam kung sino pa ang paniniwalaan sa kanilang dalawa pagkatapos ng aking nasaksihan. Ayos na sa akin ang isang pagkakamali pero ang nakita ko kanina ay