CHAPTER 7 - KARE-KARENG ATHENA

2150 Words
"See? Tama ako di ba? Sabi na sa inyo the color will compliment her skin!" masayang pagmamalaki ni Tita Clover habang nakatingin sa gown na suot ko. Yes. Tita na ang tawag ko sa kanya. Hindi naman kami ni Jett, at hindi ko rin naman masasabing nanliligaw siya sa akin, pero ipinipilit kasi ni Tita Clover na iyon ang itawag ko sa kanya, dahil hindi naman daw niya ako empleyado para tawagin ko siyang Mam. Napatingin ako kay Hyacinth na nakangiti rin sa akin, habang katabi niya ang Mommy niya na si Tita Hannah. Sinamahan kasi nila kami ni Hyacinth magsuakat ng gown na isusuot namin sa coutillon dance ng debut ni Ate Cassandra ni Jett at Josh. Wala akong masasabi kay Tita Clover at Tita Hannah, sa sobrang hands-on nila sa nalalapit na debut ni Ate Cassandra. Mag-bestfriend kasi silang dalawa. Sana maging ganito rin kami ni Hyacinth hanggang sa pagtanda namin. "Athena, isukat mo nga ito. I think babagay ito sa 'yo," nakangiting sabi ni Tita Clover sa akin habang naglalakad palapit, hawak ang isang semi-formal na damit. "Po?" nahihiyang sagot ko dito. Bakit ko naman iyon isusukat? Itong gown lang naman ang sagot nila para sa debut ni Ate Cassandra. "Isukat mo lang. Sige na..." sabi pa nito. Napilitan akong kunin mula sa kanya iyong dress na hawak niya, at saka pumunta sa fitting room. Paglabas ko mula sa fitting room ay malapad itong napangiti. "Gift ko na sa iyo iyan! Sabi ko na nga ba, at babagay iyan sa iyo," sabi pa ni Tita Clover. "Naku, wala naman po akong paggagamitan nito," pagtanggi ko naman. "Itabi mo lang! Malay mo, bigla kang yayain ni Jett mag-date sa isang fancy restaurant," masayang sabi nito. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Sobrang nakakahiya pala na iyong Nanay ng lalaking malapit sa iyo ang magsasabi nun. Nakita kong tumawa lang iyong mag-inang Hyacinth at Tita Hannah, na nakaupo pa rin sa sofa na naroroon. "Naku, hindi po nanliligaw sa akin si Jett. Kai--" "Ah, basta. Sa iyo na iyan. Itabi mo lang sa closet mo. Nagustuhan ko kasi, eh hindi naman magkakasya na sa akin 'yang size na 'yan. Eto kasi'ng si Pepper, ang gaganda ng mga designs!" "Pero--" "Ay, walang pero-pero, Athena. Gusto mong hindi ka na makakain ng mga meryenda ko?" Nakataas pa ang isang kilay nito pagkasabi nun. "Tita, nakakahiya po..." "Hay naku, Athena... tanggapin mo na 'yan. Masanay ka na kay Clover. Eto nga'ng si Hyacinth hindi ko na binibilhan ng damit, kasi puno na ang closet niya sa mga bigay ng Ninang niya," sabat naman ni Tita Hannah. Si Hyacinth, inaanak ni Tita Clover. Eh ako? "Sige na, magpalit ka na, at babayaran ko na 'yan. Sumunod na lang kayo ni Hyacinth sa front desk. Tara na, Hannah." Sinundan ko na lang ng tingin ang papalayong bulto ni Tita Clover at Tita Hannah. Ganun talaga siya kagalante? “Boto naman pala sa iyo si Ninang, Athena eh.” Hindi ko naramdaman na tumabi na pala sa akin si Hyacinth. “Nahihiya nga ako, Hyacinth. Baka sabihin niya, kaya lang ako dumidikit sa anak niya dahil mapera sila,” sagot ko sa kanya. “Tsk! Hindi ganyan mag-isip si Ninang. Tara na, samahan na kita sa fitting room. Hubarin mo na 'yan para madala na natin sa harapan.” Nagpatianod na lang ako kay Hyacinth papunta sa fitting room, tutal mukhang wala na rin naman akong choice. Pagkatapos bayaran ni Tita Clover iyong napamili namin ay nagyaya siyang kumain. Gusto ko sanang magpaalam nang uuwi na, dahil iyong gown para sa debut lang naman ang rason kung bakit nila ako kasama. Pero nahiya na rin akong magsabi dahil hindi binitiwan ni Tita Clover ang kamay ko. Nahihiya man ay wala naman akong lakas ng loob na tumanggi. "ANO pang gusto mong kainin, Athena?" tanong ni Tita Clover sa akin. "Eh, Tita marami na po iyong inorder ninyo...." "Order ko 'yun. Hindi mo order. Eh, baka hindi mo gusto ang mga 'yun. Ano bang paborito mong ulam?" tanong niya, habang nagbubuklat ng menu. "Ahm... May Kare-kare po ba sila?" alanganing sagot ko. "Ah, yun ba ang favorite mo?" nakangiting sabi nito. "Alam ko meron," sabi nito, at saka binuklat-buklat ang menu. "Here." Pagkatapos ay binalingan ang naghihintay na staff sa tabi ng mesa namin. "Idagdag mo ito sa order namin, ha." Nakangiting tumango sa kanya iyong staff, at saka lumayo na sa mesa namin. "Naku! Masarap akong magluto ng Kare-kare, Athena!" excited na komento ni Tita Clover. "Talaga po?" "Yup! Hayaan mo. Next week magluluto ako. Sa bahay kayo kumain ni Hyacinth," pagmamalaki pa niya sa amin. "Sige po," kiming sagot ko. "Ummm! Sarap nitong Kare-Kare, Athena! Panalo! Super!" exaggerated na komento ni Agnes. "I know. Masarap talagang magluto ng Kare-kare si Tita-- 'yung Mommy ni Jett," sagot ko kay Agnes, at saka nag-iwas ng mga mata sa kanya. Mabilis akong sumubo ng pagkain mula sa kutsara ko, para makaiwas ako sa nagtatanong na tingin ni Agnes. "Oy, Athena. Ano ba talagang meron sa inyo ni Jett Madrigal? Magkakilala na ba kayo dati pa? Ang epic kasi ng reaction mo nung ipakilala ko siya sa iyo noong unang araw niya, eh. Saka, bakit ganun na lang ang galit mo sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Agnes. Pakiramdam ko ay nasukol ako ni Agnes. Ibinaba ko sa gilid ng plato ko ang hawak kong kutsara, at saka nag-angat ako ng tingin kay Agnes. Sinalubong ko ang tingin niya, at saka may pagmamakaawa akong nagsalita. "Agnes, wala na ba talaga tayong ground na pwedeng ibigay kay Jett para mapaalis na natin siya dito sa Strategy? Hindi ako komportableng ka-trabaho siya. At isa pa, masyado siyang over-qualified to be my EA. Iyong totoo? Hindi mo ba siya kilala?" sa halip na sagutin ko ang tanong ni Agnes ay sinagot ko rin siya ng sunod-sunod na tanong. Maang na tumingin ito sa akin, na para bang napaka-imposible ng gusto kong ipagawa sa kanya. "Athena, baka naman mawalan ako ng trabaho sa gusto mong mangyari. Wala akong nakikitang pwedeng violation o na-violate ni Mr. Madrigal. Ano? Mag-iimbento tayo? Athena, alalahanin mo... bread winner ako ng pamilya, ha!" May pagsukong napailing na lang ako, at saka dinampot ang uli ang kutsara sa gilid ng plato ko. Tinatamad na isinubo ko ang kutsarang may laman nang kanin na nilahukan ng laman at gulay nung Kare-kare. Pagkasubo ay napatingin ako sa painting na nasa pader ng kuwarto ko. Painting ito ng isang Hindu goddess na ang pangalan ay Durga. Si Durga ay pinaniniwalaang kumakatawan sa lakas at tapang ng mga babae. Siya ay inilalarawan sa panitikan ng mga Hindu bilang isang diyosa na may pambabaeng lakas, kapangyarihan, determinasyon, karunungan, at parusa nang higit pa sa materyal na bagay. At iyon ang gusto kong maging purpose ko sa mundong ito. At dahil diyan, naniniwala ako na hindi ko kailangan ang lalaki sa buhay ko. Lalo na kung ang lalaking iyon ay si Jett Calvin Madrigal. "Paano ko kaya madidispatsa si Jett dito sa kumpanya?" napalakas kong sabi, habang matamang nag-iisip, at nakatitig sa painting sa pader, na para bang kay Durga ako nagtatanong, at umaasa ako ng sagot mula sa kanya. "Naku, Athena. Kapag nawala si Jett dito sa Strategy, panigurado... maraming babaeng empleyado natin ang iiyak!" sabi naman ni Agnes, at saka sumubo ng pagkain, na parang wala lang iyong sinabi niya. Hindi ko napigilang umangat ang isang kilay ko. Iilang araw pa lang siya dito sa kumpanya, marami nang nalanding babaeng empleyado? Sabagay, ano nga ba ang aasahan ko sa isang Jett Madrigal. Nakita ko naman dati kung ano ang kaya niyang gawin. Uminom ako ng tubig mula sa basong nasa tapat ko. Hindi naman ako nauuhaw, pero para kasing may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. "Eh di good!" sabi ko, pagkababa ko ng baso sa mesa. "Dapat pala talaga siyang mawala dito s Strategy. Opisina ito, ha. Nandito sila para magtrabaho, at hindi ito ang lugar para maghanap sila kalandian nila!" "Athena." Tiningnan ko si Agnes. "What?" "Fyi lang, ha. Kare-Kare itong ulam natin. Hindi ampalaya," sabi ni Agnes na matamang nakatitig sa mukha ko, na tila binabasa ito. Tumikhim ako, at saka nagbaba agad ng tingin. Kumutsara na lang ako ng ulam pa, at baka sakaling mawala ang atensiyon sa akin ni Agnes. "By the way, ano kaya yung sahog nito na karne? Kakaiba kasi. Medyo matigas siya, pero pag nababad na sa sauce nung Kare-Kare, lumalambot na rin," narinig kong sabi ni Agnes. Bigla ko tuloy naalala iyung sinabi ni Jett kanina, bago siya lumabas ng kuwarto ko, pagkatapos naming magtalo. "By the way, Kare-kareng Athena ang tawag diyan." Well, sorry. Matigas ako, pero hindi ako lalambot sa isang Jett Madrigal lang. NANDITO ako ngayon sa may Meat Section ng grocery. Nakatayo ako sa tabi ng glass display, habang iniisip ko, kung anong cut ng karne ang bibilhin ko. Ang tanong, maluluto mo ba naman, Athena kapag bumili ka? Kailan nga ba ako huling nagluto sa condo unit ko? Mas madalas na food delivery, or sa take out nanggagaling ang meal ko. Or kung alanganing oras na, mga instant foods. Pero after ko matikman iyong Kare-Kare ni Tita Clover kanina, parang gusto ko na uli bumalik sa pagluluto. Teka lang. Magluluto ako, pero ako rin mag-isa ang kakain? Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko iyong panahon na grupo kaming kakain dati sa bahay nila Hyacinth. Ako, si Jett, at si Josh. Pero mas madalas kaming kumain sa bahay ng mga Madrigal. Parang kaligayahan na ni Tita Clover na ipagluto kami tuwing schedule na ng pagkain namin sa kanila. Talagang inaalam pa niya kung anong mga paborito namin, at kung anong gusto naming kainin. "Depende sa kung anong putahe ang lulutuin mo ang cut ng karne." Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yun. "Tita Clover?" Sinuklian ako nito ng ngiti. Ganun pa rin ang itsura nito. Parang hindi nagkaka-edad. Simpleng black dress lang ang suot nito pero makikita mo pa rin sa kanya ang pagka-elegante. Ni wala ngang masyadong make-up, kung hindi iyong sa kilay at lipstick lang. "Kumusta ka na?" nakangiti pa ring tanong nito sa akin. Para akong napipi, at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Pero bago pa ako nakasagot, ay muli itong nagsalita. "By the way, nakarating ba sa iyo iyung pinadala kong Kare-Kare?" So, totoo palang kay Tita Clover galing iyong Kare-Kare. Akala ko ay ginagamit lang ni Jett ang Mommy niya para mapalapit uli sa akin. "Ah, yes Tita. Masarap pa rin po, katulad ng dati," sinsero kong sagot. "Ay, thank you," masaya nitong sagot. "sabay ba kayong kumain ni Jett nung Kare-kare?" Nabigla ako sa tanong niya, at hindi ko malaman kung paano ko iyon sasagutin. Hindi naman sa gusto kong makasabay kumain si Jett, pero hindi ko kasi alam kung ano ba ang alam ni Tita Clover sa aming dalawa ni Jett. Nakita ko na lang na biglang lumungkot ang mukha nito. "Base sa reaksiyon mo, I suppose, hindi," may kasiguraduhan na sabi niya. Marahan akong tumango. As much as possible, ayaw kong ma-frustrate si Tita Clover. Sobra niyang bait sa akin, pero ano ba ang magagawa ko? "Naku, hindi pala natikman ni Jett iyong Kare-Kare... Akala ko kasi, sabay kayong magla-lunch. Hindi bale, ipagluluto ko na lang uli kayong dalawa!" This time ay nakangiti na uli ito. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt sa sinabi ni Tita. Akala ko kasi, solo ko lang yung Kare-Kare. Hindi naman sinabi ni Jett na para sa aming dalawa 'yun. Inaya ko pa man din si Agnes na saluhan ako sa pagkain, kasi nga masyadong madami kung para sa akin lang 'yun. Bakit? Kung sinabi ba ni Jett na sabay kayong kakain, papayag ka? Ipinilig ko ang ulo ko. "Naku, Tita. Kahit si Jett na lang po ang ipagluto ninyo uli. Kahit huwag na po ako," nakangiting sabi ko sa kanya. Muli na namang lumungkot ang mukha nito. "Ayaw mo na bang ipinagluluto kita, anak? Actually, nami-miss na nga kitang kumakain sa bahay. Ilang taon na ba, since huli ka naming nakasamang kumain sa bahay?" Anak... Mapait akong napangiti. "Eh, Tita---" "Don't take me wrong, ha. Hindi naman sa gusto ko kayong magkabalikan ni Jett, pero nasanay na kasi ako na kasama ka sa mga pinapakain ko sa bahay. Just like the gool old days," nakangiting sagot niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya, kahit masakit na ang loob ko. "Naku, Tita. Nakakataba naman ng puso. Pero for sure, naisasama naman si Jett sa inyo iyong girlfriend niya ngayon," sagot ko sa kanya. Athena? Ano ba yan? Fishing for information? Pagsermon ko sa sarili ko. Malapad itong ngumiti at saka kinuha iyong isang kamay kong nakahawak sa push cart. Marahan niya itong pinisil. "Jett didn't have any girlfriend or fling after your break up." ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD