Julianna "Baby..." Napahinto ako sa pakikipagtawanan sa nanay at kapatid ko habang pinagtutulungan ang paghahanda ng tanghalian nang marinig ko ang tinig na iyon. Sabay-sabay kaming napalingon sa may bukana ng kusina kung saan nakatayo ngayon si Jercie habang parehong nakapamulsa ang mga kamay. "Can I talk to you for a minute?" Mabilis akong tumango saka na nagpaalam kay Mama at Dani. "Ano 'yon?" Tanong ko nang makalapit sa kanya. Nang ilapat niya ang palad sa balakang ko at igiya ako patungo sa sala, naintindihan ko agad na ayaw niyang iparinig ang gusto niyang sabihin kina Mama. "Wanna go out today?" He asked as soon as we're out of earshot. "Um, saan tayo pupunta?" Pinigilan kong humalo ang pag-aalangan sa tinig ko. Lilingon rin sana ako sa may gawing kusina ngunit hindi ko na