***EYRNA*** “What the hell are you doing?!” galit na galit na bungad ni Lailey. Naabutan at nakita nito ang paghawak niya sa kamay at pagkapa sa noo ni Darion. “Ate, si Kabhy ang tumawag kay Eyrna. Nagdedeliryo na yata si Kabhy kaya pinagbigyan niya lang,” sabi agad ni Revo. Nagdilim ang mukha ni Lailey. Nilapitan siya na parang hindi narinig ang paliwanag ng kapatid. Mabalasik nitong hinawakan ang kanyang braso. “Bitawan mo nga ako,” asik niya. “Don’t you dare touch my husband again!” at saka galit na galit na duro naman sa kanya. Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Lailey. Mas malaking babae ito sa kanya kaya hirap na hirap siya. “Sabing bitawan mo ako. Tinutulungan ko lang ang asawa mo. Pinayapa ko lang ang kalooban niya kasi parang napapanaginipan niya ako.” “Feel