***EYRNA*** “Pinapunta ko rin dito si Emmil kasi pinuntahan din pala siya ng ibang nakautangan ko. Sinabi ko na dito na tayo titira sa kapatid ko at sumama na lang siya para hindi siya mapahamak. Hindi ko na lang sinabi sa iyo kahapon para hindi ka mag-alala masyado sa kanya,” paliwanag agad sa kanya ni Revo nang bumungad na lang basta-basta si Emmil sa mansyon. “Totoo ba ang sinasabi niya?” tanong ni Eyrna sa kanyang kapatid. Tumango si Emmil. “Siguro nakita nila si Emmil noong kasama ko siya na kumain. Inakala nila malamang na kamag-anak ko siya o ano kaya kahit sa kanya ay hinahanap nila ako,” dagdag ni Revo sa paliwanag. “Puwede bang mag-usap muna kaming magkapatid,” blangko ang ekspreyong sabi ni Eyrna sa binata. Hindi na niya ang alam ang sasabihin, lalo na ang gagawin dahil