***EYRNA*** Matapos siyang ma-discharge ay hiniling ni Eyrna kay Emmil na huwag na silang umuwi sa mansyon ni Kabhy Ziegler. Kung kaya naroon na silang magkapatid sa dating inuupahan nilang bahay. Inalok naman sila ulit sa apartment ni Jasmin pero tinanggihan niya iyon. Idinahilan niya ang kagustuhan niyang bumalik na sa kanyang totoong mundo. Na kung gusto niyang maging matatag ay dapat bumalik na siya kung saan siya nararapat. Hindi nagtatago, hindi lumalayo, at lalong hindi tumatakas. “Ate, okay ka lang diyan?” anang boses ni Emmil habang binubuksan nito ang pinto ng kuwarto. Nakahinga ito nang makitang nakaupo lang ang kanyang Ate Eyrna sa gilid ng kama nito. “Bakit?” nasorpresang tanong naman ni Eyrna. “Pasok ka.” Pumasok nga si Emmil. “Wala lang. May chat lang kasi si Ate Jas