***KABHY/DARION*** “Nandito ako sa rest house. Magpunta ka rito,” walang paligoy-ligoy na utos ni Kabhy nang sagutin ni Miguel ang kaniyang tawag. “Rest house sa Tagaytay, Sir?” Syempre nasorpresa si Miguel. “Sir Kabhy, ikaw na ba ‘yan? Bumalik na ba talaga ang memorya mo?” Ang rest house niya sa Tagaytay kasi ang kaniyang inuwian kagabi, a place where no one can find him, dahil walang nakakaalam sa bahay niya na iyon kundi siya, si Miguel, at si Leandro lamang na patay na pala. Yeah, kahit si Mia noong buhay pa ay hindi alam ang property niyang iyon. Naisip niya noon na hindi na kailangan malaman ng kaniyang asawa dahil ginagamit niya lang naman ang rest house kapag gusto niyang mag-isa at mag-relax. “Basta puntahan mo na lang ako dito. And make sure you don't tell anyone where I a