“Ma’am, nandito na po tayo.” May pag-aalinlangan pa sa boses ng driver nang marinig ko iyon. Napatingin ako sa unahan at nakita kong nakasulyap siya sa akin sa rearview mirror. Kababakasan ng pagkaawa ang kaniyang mga mata. Huminga ako ng malalim at mabilis na pinalis ang mga luha sa mata. “Opo. Sandali lang po, manong.” Gumaralgal ang aking boses. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang bag para kunin ang pitaka roon. Muling nanlabo ang aking mga mata kahit na pinalis ko na ang luha roon. “Ugh! Ano ba naman? Bakit ang usok dito sa loob ng sasakyan mo manong?” sabi ko. Sinabayan ko pa iyon ng tawa kahit naman halata sa aking boses ang pagkabasag noon. Pinunasan ko muna ang aking mata bago iniabot ang bayad sa kaniya. “Oo nga, ma’am. Nabuksan ko y

