“Tulad noong pinag-usapan, ang huli ang manlilibre, ha? Hindi ba at ikaw ‘yon, Bruno?” sabi ni Ymar. Wala pang segundo nang isang malakas na pag-angal mula sa lalaking nabanggit ang narinig namin. “Anong ako? Bakit ako? Hindi ako!” Madiin na pagkakasabi ni Bruno. Hindi sinasadyang napindot pa niya ang busina dahil sa matinding pag-angal. “Si Lito ‘yon!” Tinapik niya ang walang kamuwang-muwang na lalaki sa likod. “Laging ako ang nakikita mo. Tsk.” Bumubulong pa na pahabol nito. “T-rantado ka ba? Bakit naging ako? Ako ang unang nakapasok sa sasakyan!” sagot naman ni Lito. “Alangan namang ako? Pinagda-drive ko na nga kayo!” hindi pa rin tumitigil na wika naman ni Bruno. “Ikaw na lang ulit, Ymar. Para wala na lang problema. Ang ingay nila e!” sabat nam

