I still remember what my grandfather said to me. He said, don’t care too much. Don’t love too much. And don’t hope too much. Because that too much will just hurt me. Hindi ako naniwala sa kaniya noon. Hindi ko pa rin kasi naiintindihan masiyado. Ngunit ang utak ko noong mga oras na iyon ay nagtatanong kung bakit? Hindi ba dapat nga ay ibuhos natin lahat? Hindi pwedeng katiting lang, pakiramdam kasi natin ay kulang. Ngayon ay naiintindihan ko na. Ibinuhos ko na at lahat, wala pa ring pinuntahan. Ako lang iyong naubusan at nawalan. “Anong oras po namin kayong susunduin, Ma’am?” Nakatanaw ako sa labas nang marinig ang boses ni Simon. Nawala ako sa mga iniisip at binalingan siya ng tingin. Sumulyap ako sa rearview mirror bago muling ibinalik ang tingin sa pamilyar

