UM-ORDER lang si Tristan ng pagkain ng asawa dahil hindi na niya nagawang ipagluto ito. Sakay ng motorsiklo, iginiya niya ang sarili sa lugar kung saan nakalagay ang urn ng anak. Sarado na noon ang sementeryo dahil gabi na pero inakyat niya ang bakod at doon binuro ang sarili. Kahit na madilim, binalewala niya. Gusto niyang maibsan ang nararamdamang sakit ngayon. “Hindi ako papayag na mawala din ang Mommy mo, anak…” Wala namang nakakarinig sa kanya kaya hindi na niya pinigilan ang sarili. Umiyak siya nang umiyak. Mas masakit pa ang mga nangyayari sa buhay niya kaysa sa mga sugat na natamo niya sa misyon. Matindi ang sugat na nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung paano ito gamutin kapag tuloy-tuloy. Sayang at hindi siya nakapagdala ng alak, wala tuloy siyang mapagsandalan din ng