CHAPTER 35 KUMAKAIN pa sina Hillary sa patio nang sumpungin si Vin Rixor ng pag-iinarte. The boy is so sleepy and really trying to stop her from eating her favorite dessert. Nagpakalong na ito sa kanya at sinimulan siyang kabayuan hangga’t hindi siya tumatayo. “Vin, stop it son.” saway ni Vandrix sa anak habang nakatingin sa kanila. Pamasid-masid naman ang mga magulang ni Ghuix sa kanya, pero hindi naman siya makaramdam ng pagkailang. “Wait lang baby.” aniya sa bata pero ayaw tumigil. “Vin Rixor.” mariin na saway ni Vandrix pero inilingan niya ang binata. “‘Wag mo ng pagalitan. Tatayo na lang ako. Pagod na kasi ito.” she stood up and carried Vin in her arms. “How old are you, iha?” biglang tanong ng Mommy ni Ghuix sa kanya. “Twenty four po, Mommy.” sagot niya sabay ngisi. “Same ag