Kabanata 9: Trauma.

1627 Words
KINABAHAN si Helena nang marinig ang utos ni Daxon. Halatang galit ito. Pero imbes na matanong niya pa ang dahilan, dumiretso na lang siya sa kwarto nila ni Hans para magbihis at makapaghanda na siya ng lulutuin. Pinatulog niya na muna si Hans bago siya bumaba sa kusina para magluto. Pagbaba niya, naroon si Daxon sa kusina, nakaupo habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. “Anong gusto mong ulam?” tanong niya. Kahit kabado siya sa paraan ng paninitig nito sa kanya, pinilit niyang kalmahan ang sarili. “Adobo.” Tumango siya at dumiretso sa ref para ilagay roon ang binili niyang lechon manok para kay Daxon. Bukas na lang iyon, kakainin nila ni Hans bilang tanghalian… Saka siya kumuha ng mga rekadong gagamitin sa pagluluto. Habang abala siya sa paghahanda ng mga rekado, nakatingin lang si Daxon sa kanya. Binabantayan ang bawat kilos niya… Nang maisalang na niya ito sa kaldero, naupo siya sa katapat na upuan ni Daxon. “May problema ba?” kinakabahang tanong niya. “Anong oras na?” Naitikom niya ang kanyang bibig saka kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Bubuksan pa lang niya iyon para tingnan kung anong oras na pero dinugtungan na ni Daxon ang sasabihin niya. “It’s eight in the evening, Helena. Where did you go, hmm? Hans is with you, hindi ka ba nag-alala na baka mapahamak kayong dalawa? Gabi na!” Napapikit siya nang medyo tumaas ang boses ni Daxon. Natakot siya, kaya imbes na sumagot ay yumuko siya at nanahimik. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ito na ba ‘yon? Magiging kagaya na ba siya ni Ronnie? Sasaktan din ba siya ni Daxon? Takot na takot siya at kabado. “Delikado na sa labas, Helena. Okay lang na umalis kayo, hindi ko naman kayo hinihigpitan. But please go home early. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko kanina? Kinabahan ako! Hindi ka sumasagot sa tawag ko, maging si Joyce. I was too damn nervous, I thought you went back to your f*****g ex-boyfriend!” Nanatiling tahimik na nakayuko si Helena. Nanginginig at namamawis ang mga kamay niya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Daxon. “H-hindi… s-sorry… h-hindi na mauulit. H-huwag ka nang m-magalit,” uutal-utal at nanginginig na sagot niya. Mukhang napansin iyon ni Daxon, natigilan siya nang makita ang panginginig ng katawan ni Helena kasunod ng unti-unti nitong paghikbi. “Helena—” Hahawakan niya sana ito pero natatakot na umiwas ito sa kanya. Halata ang takot sa panginginig pa lang ng katawan nito. “Helena. I’m sorry, I was just worried—” Nang muli niya itong hawakan, kaagad na tumayo si Helena. Kamuntikan pa itong madapa dahil sa biglaang pagtayo. “Sorry talaga, hindi na mauulit. Sorry!” Kaagad na tumakbo si Helena palabas ng kusina. Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni Helena. Tumubo ang konsensya sa kanyang dibdib. May panic attack si Helena… iyon ba ang dulot ni Ronnie sa kanya? Ni hindi tumaas nang husto ang boses niya pero takot na takot na ito. Napapikit siya at nasapo ang noo. “s**t… damn it.” Malutong na napamura siya at tumayo mula sa upuan para patayin ang nakasinding kalan. Kinain niya ang niluto ni Helena sa kanya bago siya umakyat sa kanyang kwarto. Gusto niya pa sanang katukin ito at kausapin pero naisip niyang baka mas lalo lang silang hindi magkaintindihan… kaya minabuti niyang hayaan na muna ito. Kinabukasan, inakala niyang magiging malamig ang tungo sa kanya ni Helena. Pero iba ang naabutan niya. Pagkagising niya’y nakahanda na ang almusal sa kusina. Sinalubong din siya ni Helena ng isang matamis na ngiti. “Good morning! Naubos mo pala ang adobo kagabi?” Umawang ang labi ni Daxon sa tanong na iyon ni Helena. “Oo…” sagot niya, nag-aalangan. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang hindi nagdamdam sa kanya si Helena o kakabahan siya sa ikinikilos nito. “Nagluto ako ng chapsuy… kain ka na,” anito sa malambing na tono. “S-sabay na tayo…” “Tapos na kami ni Hans,” sagot ni Helena saka ngumiti. Mas lalo siyang kinabahan sa inakto nito. Kahit na hindi nito sabihin, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya. Hinayaan niya pa rin si Helena. Kumain siya ng almusal nang mag-isa kahit pa sanay na siyang sabay sila kung kumain. Natapos siyang kumain na hindi na siya binalikan ni Helena sa kusina. Siya na ang naghugas ng pinagkainan niya saka lumabas para tingnan sila. Napabuntonghininga siya nang wala rin ito sa kusina. Hindi siya mapakali kaya talagang pinuntahan niya ito sa kwarto. Nadatnan niyang pinaliliguan ni Helena si Hans. “Helena, pwede ba tayong mag-usap?” “Bakit? Anong pag-uusapan natin?” “About last night…” Saglit na sumulyap sa kanya si Helena bago muling ibinaling ang tingin kay Hans na ngayon ay sinasabonan niya. “Pinapaliguan ko pa si Hans… ‘Di ba may pasok ka? Mag-ready ka na.” “Helena… you're mad at me.” “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” “Because of what I said last night. I didn't mean to raise my voice, I was just worried…” Kinuha ni Helena si Hans mula sa bathtub saka pinunasan ng tuwalya ang katawan. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya at patuloy pa rin sa pag-aasikaso kay Hans. “Please, talk to me, Helena.” “Nakikipag-usap naman ako sa ‘yo… ano pa bang gusto mo?” “Kiss me.” Napahinto si Helena sa isinagot niya. Kumirot ang puso niya pagkatapos niyang sulyapan si Daxon. “Kaya ba nagalit ka kagabi dahil late kaming umuwi o dahil hindi ka naka-score sa akin?” Nabigla siya sa tanong na iyon ni Helena. Hindi niya akalain na iyon ang iisipin nito. “Helena, that’s not what I mean… nag-aalala lang talaga ako—” Tumingkayad si Helena sa kanya at inabot ang kanyang labi para halikan. “Tapos na. Pumasok ka na sa trabaho mo.” Ngumiti ito at dumiretso sa kama para ilapag si Hans at bihisan. “Hindi ako aalis hangga’t hindi tayo nagkakaayos.” “Kulang ang kiss? Teka lang at patutulugin ko na muna si Hans.” “Helena, that’s not what I wanted. Please just…” He sighed and then closed his eyes. “If you think that I wasn't genuinely worried about you then just… think whatever you want to think.” Imbes na suyuin pa si Helena, tuluyan na siyang lumabas ng kwarto nito at dumiretso sa kwarto niya para maghanda na papasok sa trabaho. Mas gusto niya pa sana kung hindi kalmado si Helena. Mas gusto niyang sabihin nito ang totoong nararamdaman pero hindi iyon ang ipinapakita. They have a misunderstanding and it’s frustrating. Umabot ng tatlong araw ang hindi nila pagkibo sa isa't isa. Kinakausap lang siya ni Helena kapag may sasabihin o kailangan. Hanggang sa nagyaya ng family dinner ang ama ni Daxon na hindi niya kayang tanggihan. Humugot siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng kwarto nila Helena. “Helena…” Ilang beses lang na pagkatok, bumukas na agad ang pinto. “Bakit?” “Nagyaya si Papa na mag-family dinner. Get dressed,” aniya. “Sige… magbibihis na kami.” Sasaraduhan na sana siya nitong muli pero hinarang niya ang pinto. “Are we going to keep ignoring each other?” he asked. “Hindi naman kita iniiwasan… ikaw ang umiiwas sa akin.” He sighed. “I thought you’re ignoring me…” Saglit silang nagkatitigan bago ngumiti si Helena. “Sige, magbibihis na kami.” Kinabahan si Helena pagkasarang-pagkasara niya ng pinto. Noong una’y nag-aalangan siya kung totoo ba ang ipinapakitang concern sa kanila ni Hans, pero ngayon, nadiskubre niyang totoo iyon. Sa tatlong araw na hindi sila halos magkibuan, hindi naman nito itinigil ang pagpapakita ng pag-aalala sa kanila. Palagi siyang tinatanong kung kumain na ba, kung ayos lang ba sila… ramdam niyang sinusubukan ni Daxon na magkaayos silang dalawa pero pinili niyang huwag na muna. Ngayong napatunayan niya na iyon, handa na siyang sabihin kay Daxon ang totoo. Ramdam niyang hindi siya nito ipagtatabuyan kung sakali… handa rin siyang ipa-DNA test si Hans kung kinakailangan. Nang makapagbihis na siya ng kulay nude na dress at itim na high heels, saka niya pa lang binihisan si Hans. Paglabas niya ng kwarto, wala pa si Daxon kaya pinuntahan nila ito sa kanyang kwarto. Bitbit niya si Hans nang katukin niya ang pinto. Pinagbuksan rin naman siya agad ni Daxon pero hindi pa ito tapos sa pagbibihis. Inaayos pa nito ang suot niyang necktie. “Tulungan na kita…” Umawang ang labi ni Daxon, saglit na natigilan hanggang sa binuksan nito nang maluwag ang pinto at hinayaan silang pumasok. Inilapag ni Helena si Hans sa sahig para hindi ito mahulog sa kama. Bago niya hinarap si Daxon. “You’re not mad at me?” tanong ni Daxon nang hawakan niya ang necktie nito. “Hindi nga ako galit, ang kulit mo.” Habang inaayos ni Helena ang suot niyang necktie, hindi mapigilan ni Daxon ang mapatitig sa maamong mukha ni Helena. He missed her so much. Kahit pa magkasama lang naman sila sa bahay, na-miss niya ito. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Helena. Maayos na ang pagkakalagay ng lipstick doon… but he feels like he wanted to ruin it. “Ayan, okay na. Tara na at baka naghihintay na ang Papa mo.” Lalayo na sana si Helena mula sa kanya nang bigla niya itong ikulong ang beywang nito sa kanyang bisig. Napahawak si Helena sa dibdib niya upang bahagyang lumayo. “D-daxon…” “I’ll have the kiss thag I want that day,” bulong niya. Pagkatapos ay ginawaran ito ng matamis na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD