Kabanata 10: Katotohanan.

1595 Words
MARIING napapikit si Helena nang lumapat ang malambot na labi ni Daxon sa kanyang labi. Gusto niya pa sanang pigilan na huwag humalik pabalik. Ngunit nang marahan nitong kagatin ang pang-ibabang labi niya, hindi niya naiwasan ang pag-ungol at tuluyang bumigay sa halik na iyon. Malamyos ang bawat paghaplos ng labi nito sa kanya. Naglalaban ang kanilang mga dila. At nang sipsipin nito ang kaniyang dila, kaagad niyang tinapik ang balikat nito. Bahagya rin namang lumayo si Daxon mula sa kanya. “Hmm? What is it?” “Aalis tayo…” Kinagat ni Daxon ang labi niya saka ito dinilaan. Halatang bitin sa halik. “Oo nga pala. Let’s go now.” “Teka!” Kaagad na pinunasan ni Helena ang labi ni Daxon may bahid pa ng kanyang lipstick. Para itong teenager na nakipaghalikan sa girlfriend niya, ni hindi man lang napansin ang lipstick sa labi. “Your lipstick was also smudged…” bulong nito. “Kasalanan mo iyan,” sagot ni Helena. “Damn, I won’t clean up the smudge, I might end up kissing you again.” Kaya imbes na si Daxon ang maglinis ng nakalat na lipstick sa kanyang labi, siya na ang bumalik sa kwarto nila at muling naglagay ng lipstick. Baka mamaya hindi pa sila makaalis! Pagdating nila sa restaurant kung saan nag-book ng reservation ang Papa ni Daxon, naroon na ito. Halatang naiinip na dahil panay ang tingin sa kanyang relo. Late naman na talaga sila danil nagtagal pa sa pangungulit hi Daxon sa kanya. "Bakit ang tagal n'yo?" iritang tanong nito. "Pa, matagal talagang kumilos kapag may bata. Parang hindi mo naman naranasan noon," sagot ni Daxon. Napailing na lamang si Don Pablo saka ngumiti. "Kunsabagay, noong maliit ka pa, madalas din kaming ma-late ng Mama mo dahil bago umalis, dumedede ka pa." Sumulgap ito kay Helena. "Dumede pababago kayo umalis?" Napakurap si Helena sa sinabi ni Don Pablo. "P-po?" "Si Hans, dumede pa ba bago umalis?" Nakangising ani nito. Nakahinga nang maluwag si Helena ang itama nito ang tanong. "Ah, opo …" Kahit na hindi naman talaga iyon ang nangyari. Matapos no'n ay nagpasya na silang kumain ng dinner danil nagugutom na raw si Don Pablo. Naging tamimik sila habang kumakain, wala ni isa ang nagsalita hanggang sa matapos silang kumain. "Kumusta pala ang pagsasama niyong dalawa?" tanong ni Don Pablo. "Nagkakamabutihan na ba kayo? Na-receive ko na rin ang DNA test ni Hans. Masaya akong totoong apo ko talaga siya." Umusbong ang kaba sa dibdib ni Helena nang sabihin iyon ng Papa ni Daxon. Nagpa-DNA test si Daxon? Alam na ba nitong totoo niyang anak si Hans? Nalilito siya. Hindi niya alam ang tungkol doon wala naman kasing nabanggit si Daxon! Mas lalo pa siyang naguluhan nang hawakan ni Daxon ang kamay niya saka marahang pinisil. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at saka ngumiti. "Yes, Dad. Ayos na ayos kami ni Helena. I am planning to marry her as soon as possible. Aayusin ko na rin po ang birth certificate ni Hans para ilipat sa apelyido ko." Lumapad ang ngiti ni Don Pablo. Halatang masayang-masaya ito para sa kanilang dalawa. "I'm glad to hear that son!" bulalas nito. "I can't wait to see you have more children." Ngumiti na lamang si Helena sa naging reaksyon ni Don Pablo. Naging tahimik siya sa sumunod na pag-uusap ni Daxon at ng Papa niya. Tungkol na sa business ang usapan nila at sa tuwing tatanungin naman siya ay saka lang siya sasagot. Habang nasa byahe pauwi sa bahay ni Daxon, naging tahimik si Helena sa buong byahe habang panay naman ang sulyap ni Daxon sa kanya. Halata kasi ang pagkabalisa niya. “Are you okay?” takang tanong ni Daxon. “Ayos lang naman…” sagot niya. Saka sumulyap kay Daxon. “N-nagpa-DNA test ka?” “Hmm, hindi.” “Hindi? Ano iyong pinadala mo sa Papa mo?” “Peke iyon. Hindi pwedeng ipa-DNA test ko si Hans dahil lalabas ang resultang hindi ko siya anak…” pahina nang pahinang sagot ni Daxon. “Oo nga pala,” pagak na natawa siya. “Sorry, nabigla ako kanina.” “Pero iyong tungkol sa kasal…” Nilingon niyang muli si Daxon. Umaasang totoo naman ang kasal sa pagkakataong ito, pero. “Bukas din, bibili tayo ng engagement ring. Kailangan nating ikasal. Ililipat ko rin ang pangalan ni Hans sa apelyido ko. Ang lahat ng iyon, i-p-process ko nang totoo. Hindi pwedeng pekein dahil may kakilala si Papa sa munisipyo, alam niya kung ginawa ko talaga o hindi. Ako na lang ang bahala after a year, we will get an annulment and will transfer Hans’ name under you again… palalabasin na lang natin na hindi nag-work out ang relasyon nating dalawa.” Tumango si Helena sa lahat ng mga sinabi ni Daxon. Gusto na sanang sabihin ni Helena ang tungkol kay Hans pero bakit ganito naman? Maling akala lang pala ang akala niyang may concern ito sa kanya… o nagkakamabutihan na silang dalawa. Para lang pala iyon sa kanya. Ang concern na ipinapakita nito, marahil dahil lang din kailangan sila ni Daxon. At ang pagkakamabutihan, baka dahil lang din sa s*x na pinagsasaluhan nilang dalawa. Masakit. Mukhang tama si Joyce na baka siya ang unang mahulog. Sa pagkakataong ito, sigurado siyang may iba na siyang nararamdaman para kay Daxon. Nang makauwi sila sa bahay, hindi na niya muna kinausap si Daxon. Nagdahilan siya na pagod at inaantok na. Gusto niya lang munang makapag-isip nang maayos… may sampung buwan pa siya para magtrabaho rito pero nahihirapan na siya nang ganito. Paano pa kaya kung tumagal na? Hinayaan niya ang kanyang sarili na umiyak sa buong gabing iyon. Hindi dahil sa may nararamdaman na siya para kay Daxon, kun‘di dahil na-realize niya ang katangahang kinasangkutan niya. Hindi niya naisip na si Daxon ay lalaki lang din. Natutukso pero hindi ibig sabihin na magkakagusto ito sa kanya. Kinabukasan, late na siyang nagising dahil late na rin siyang nakatulog nang dahil sa kaiiyak. “Good morning. You look very tired. Ako na muna ang nagluto ng almusal.” “Salamat, pasensya na at nahuli ako ng gising.” “That’s okay,” Daxon replied. Then he put down the bowl of fried rice on the table. Matapos niyang iupo si Hans sa upuan nito ay tutulungan niya sana si Daxon na mag-ayos ng lamesa pero hindi siya nito hinayaan. “You can just sit there, Helena. Don’t bother.” Lumapit pa ito sa kanya at akmang hahalik sa kanyang labi pero umiwas siya. Naitikom niya ang kanyang labi habang si Daxon ay nagtataka. “H-hindi pa ako nag-tu-toothbrush,” pagdadahilan niya. “Para namang hindi pa kita nahahalikan sa umaga,” ani Daxon. Pero hinayaan na lang siya nito. Nang matapos nang mag-ayos ng lamesa, kumain na sila. Habang kumakain, hindi na naiwasan ni Helena na sabihin ang nararamdaman niya. “Daxon, may ipapakiusap sana ako sa ‘yo,” panimula niya. “Hmm? What is it?” “Pwede bang… itigil na natin ang pagiging sweet sa isa’t isa kapag wala naman tayo sa harap ng Papa mo?” Natigilan si Daxon sa tanong na iyon ni Helena. Nabigla siya. Hindi niya inaasahan iyon dahil akala niya, okay na sila. “Bakit? May nagawa ba akong mali?” takang tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang pagsubo kay Hans. “Wala… pero kung patuloy mong gagawin iyan, baka kasi…” Hindi naituloy ni Helena ang sasabihin niya. “Basta, kung pwede lang, huwag kang maging sweet sa akin? Pakiusap.” Natahimik si Daxon. Alam niyang may mali, pero hindi niya maintindihan kung ano. Hindi naman siya manghuhula para mahulaan kung ano ang nararamdanan ni Helena. “Kung gusto mo pa rin namang may mangyari sa ating dalawa, pwede naman. Pero pwedeng hanggang doon na lang?” “Hindi mo ba sasabihin sa akin ang problema?” tanong ni Daxon. “Ayaw kong ganito tayo, Helena… ayaw kong may hindi tayo pagkakaintindihan.” Bumuntong-hininga si Helena saka tinapos ang pagpapakain kay Hans bago niya nilingon si Daxon. “Peke lang ang mayro’n sa atin, Daxon. Bakit kailangan mo pang maging sweet sa akin? Bakit kailangan pa nating magpanggap na totoong may relasyon kung dapat sa harap lang naman ng Papa mo tayo magpanggap? Ayaw ko na, nakakasawa ‘yong palagi tayong sweet sa isa’t isa!” “Paano kung ayaw kong tumigil?” tanong ni Daxon. “Helena, I’m starting to get fond of you. I’m thinking of trying to work this out…” “Kasasabi mo lang kagabi na pagkatapos ng isang taon, maghihiwalay tayo. Anong sinasabi mong gusto mong i-work out? Please lang, Daxon. Ayaw kong masaktan.” Daxon sighed and then took her hand. Ilalayo sana ni Helena ang kamay niya pero hindi siya hinayaan ni Daxon, pinisil niya iyon at tinitigan siya sa mga mata. “If we don’t work out within the year, then we can break up. But if we did, then let’s continue. Handa akong akuin si Hans, Helena. Aalagaan ko kayong dalawa…” Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Helena habang nakatitig sa mga mata ni Daxon. “D-daxon… m-may kailangan kang malaman,” nanginginig na sabi niya. Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya ito ngayon, pero hindi na niya mapigilan pa. Pagod na siyang itago kay Daxon ang katotohanan. Pakiramdam niya ay niloloko niya si Daxon sa araw-araw na lumilipas. At kung gusto nga nitong ituloy sa totoong relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa, mas maiging malaman na rin nito ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD