CAMILLA As expected, hubo't hubad na nakaupo si Jared hawak ang cellphone nito ng lumabas ako ng banyo pero agad nitong ibinaba ng makita ako at malambing na ngumiti sa akin at sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi na ako nagtanong pa at inabot ko agad ang nakalahad niyang kamay at iginiya ako paupo sa kandungan niya. "Gusto kong sulitin ang oras na kasama kita ngayon, sweetheart," malambing na bulong nito na hinalikan pa ako sa sintido. Ewan ko ba, pero bigla ay may kakaibang kaba akong nararamdaman sa narinig ko. Siguro nag-overthinking na naman ako kaya winaksi ko ang takot na biglang umusbong sa isip ko para hindi na ako mag-isip at sa huli ay affected na naman ako. Baka lang naman ang ibig sabihin ni Jared ay gusto niyang buong magdamang kaming magkasama ngayon dahil