CAMILLA "Sweetheart, galit ka pa ba?" mahinahon na tanong ni Jared dahil wala akong kibo na nakaupo sa sofa katabi niya. Bukas nga ang television pero wala doon ang atensyon ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa narinig kong pagpunta nila sa club. "Sa tingin mo natutuwa ako ha, Jared?" nakasimangot na tanong ko pabalik sa kan'ya. Malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan ng katabi ko sabay hilot sa sintido ng lingunin ko na akala mo ay malaki ang problema nito. "Ibig sabihin ba nito, wala kang tiwala sa akin, sweetheart kaya nagagalit ka agad?" may lungkot sa tinig na nagtatampo na tanong ni Jared sa akin. Nakasimangot na tinapunan ko siya ng tingin at inirapan. Actually, hindi naman sa wala akong tiwala sa kan'ya kaya lang mahirap kasi explain kung baki