Chapter 123

2138 Words

CAMILLA Lasing nga talaga si Samantha Ruiz na umatungal na ng iyak sa harap namin ni Amara. Kung kanina galit na galit siya at kulang na lang ay isumpa ang lalaking papakasalan sana niya ay iba na ngayon. Kung ano-anong mga sinasabi niya at talagang hindi maitago na sobra siyang nasasaktan sa nangyari sa dapat sana ay kasal niya kaya naaawa talaga ako. Palibhasa lasing, kaya wala itong preno sa kung ano ang lumalabas ngayon sa bibig niya. Siguro mas mabuti na ito para gumaan ang pakiramdam niya at hindi gaya ko na kinikimkim ang lahat dahil takot akong magtiwala sa iba. Alam kong ito talaga ang nararamdaman niya talaga kaya hinayaan na namin ni Amara. Hindi ko pa naman naranasan na lokohin at ipagpalit sa iba pero alam ako ang pakiramdam na walang matakbuhan dahil ulila na pala siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD