CAMILLA "Let's go, Camilla," tawag sa akin ni Amara na nakatayo sa gilid ng sasakyan at naghihintay sa akin habang nasa loob na ang asawa nito at nakaupo sa driver seat. "Take care, please, Jared," emotional na pakiusap ko sa asawa ko na tumango sa akin at pilit ang ngiti. Alam kong gaya ko ay emotional rin siya kaya agad na pumasok ako sa naka-bukas na pintuan at naupo sa backseat katabi ni Amara na naghihintay na sa akin dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko at hindi ko magawang umalis at iwan siya dito sa bahay. Tanging kaway lamang ang nagawa ko sa nakatayong asawa ko habang papalayo ang sasakyang sinasakyan ko hanggang sa nawala siya sa paningin ko ng umusad ang kotse ni Amara at nakalabas kami sa driveway ng malaking bahay namin ni Jared. "Don't worry; everything will be o