CAMILLA Nang makauwi na kami after the burial, tinawagan ni Jared si Declan at nagpaalam na sa isla muna kami mag-stay pero hindi natuloy dahil nagkaroon ng changes sa plano niya. Nagising na raw kasi si Mr. Laxamana at kailangan ng ilabas sa hospital kaya sabi ni Jared, maghihintay muna kaming bumuti ang kondisyon niya then saka kami uuwi sa isla. Wala ngayon ang asawa ko, pumunta siya sa hospital para personal na ilabas ang daddy niya at minabuting dito na lang umano sa bahay magpagaling kung saan mabantayan niya at masisiguro ang kaligtasan nito. Mag-hire na lang daw siya ng personal doctor ni Mr. Laxamana, then dito na sa bahay gagawin ang ibang treatment since available naman dito at kahit paano ay stable na ang kondisyon ng father niya. For me, okay lang naman iyon. Ako na lang