CAMILLA Agad na inutusan ko ang dalawang kasambahay na naghihintay sa akin nang makita ako mula sa banyo na tulungan akong linisin ang magulo at makalat na silid ni Samantha. Mabuti na lang at parehong mabilis ang kilos ng dalawa dahil hindi nagtagal ay lumabas na ito na suot ang roba at mas maayos na ang itsura niya. "Heto, kumuha na ako ng ilang damit ko. Bago pa ang mga ito at hindi ko pa na suot so, don't worry, p'wede mong gamitin ang nga iyan," nakangiting sabi ko kay Samantha matapos ilapag sa paanan ng kama ang dala ko. "Thank you," tipid lang na sagot nito pero nakita kong sinuyod ng ng mga mata ang paligid. "Sige magbihis ka muna, magpapakuha ako ng medicine kit para magamot ang sugat mo," paalam ko bago naglakad papunta sa pintuan. Wala akong narinig na kahit ano mula sa