CAMILLA Kanina pa kami ni Samantha parehong nakamulagat lang na dalawa sa harap ng malaking television habang maging ang remote ay nahihilo na siguro dahil maya't maya na lang kung ilipat ng channel. Mukhang boring na agad ang babaeng ito at nangangati ang mga paa na lumabas at pumunta sa kung saan at kung hindi ko lang pinigilan dahil sigurado akong magagalit si Amara ay baka sinundo na ito ng reporter na kaibigan. Well, kahit naman pala gustuhin namin ay hindi rin pwede lalo na at si Amara lamang ang may full control at direct access dito sa bahay niya. Muntik pa akong atakihin sa puso matapos kong malaman na hindi naman pala ordinaryong bahay lamang ang kinaroroonan namin dahil nasa underground pala ito nakatayo. Hindi nga lang halata dahil bukod sa napakalaki at lawak ng bahay ay wa