CAMILLA "Gago! Ikaw kaya may sabi na tutulungan mo akong itakas si Camilla," sagot agad ni Alexander pero hindi pumayag si Dexon na wala siyang sabihin. "Yeah, but you were the one who planned everything. Hinatid lang kita doon at willing naman akong ipagamit ang chopper ko pero since mahina ka at hindi mo naman na convinced si Camilla, kaya iniwan na kita," mayabang rin na sagot ng isa. Hay naku, mga pasaway na mga lalaking ito. Nagtuturuan pa sila ngayon. Konti na lang mababaliw na talaga ako sa kanila. Nagtanong lang naman ako tungkol sa mga mafia clan and position na pinag-uusapan nila dahil matagal na akong curious tungkol sa bagay na iyon kahit na may natatandaan akong nabanggit ni Jared noon, pero nakalimutan ko tapos ang mga pasaway na kaharap ko, para silang mga batang nagtata