“Grandma, hindi pa po ba kayo uuwe?” “Ay naku bata ka, parang kakarating lang natin dito pero gusto mo na agad umuwe? Masyado ka naman yata nagmamadali.” Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi ang tumahimik. Tinakpan ko na lang ang ilong ko ng panyo. Narito kami ngayon sa palengke, kasama ko ang grandma ni Clark at ng dalawa pa nilang katulong na siyang tagabitbit ng mga bilihin namin. Hindi naman sa nagmamadali akong umuwe, pero kasi parang kanina pa ako nasusuka dahil sa amoy ng palengke. Don't get me wrong, hindi ako maarte. Masama lang kasi talaga ang pakiramdam ko kaya ang dali lang sa akin masuka kahit sa konting amoy lang. Ganito ako pag masama ang pakiramdam. Ang totoo ay hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako ng palengke, dati pa ay sumasama na ako sa mga k