Chapter 69

1883 Words

Pagkapasok ko sa loob ng aking kuwarto ay agad akong umakyat sa kama at sumandal sa headboard nito. Inabot ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table para sana mag-game na lang at nang sa ganoon ay malibang ako. Pero pagkahawak ko pa lang sa phone ko ay sakto namang umilaw ito. May dumating na isang text message. Clark: Baby, pauwe na ako. May gusto ka bang ipabili? Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Marahas akong napailing. No! Hindi siya pwedeng umuwe hangga't narito pa ang Natasha na 'yun! Para akong nataranta na agad na tinawagan ang numero ni Clark. Nakadalawang tawag pa ako bago nito sinagot. “Ano ka ba! Ba't ngayon mo lang sinagot!” pagalit kong bungad. “Oh, I'm sorry, baby. Nagmamaneho kasi ako pauwe—” “No! Huwag ka munang umuwe! Huwag ka sabing umuwe hangga't

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD