BATID ni Nick na hindi maiintindihan ni Soffie ang kaniyang sinabi, kaya naman mabilis siyang umiling. “I-it’s nothing.” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Sa lahat ng mga nangyari, hindi niya akalaing ang sagot sa lahat ng kaniyang katanungan sa isip patungkol kay Henderson at Soffie ay nasa loob lamang ng kaniyang opisina. Nakaipit lamang sa isang libro. Napalunok siya ng sariling laway. Pinagmasdan niya ang nobya na titig na titig lamang sa kaniya. “Ano? Anong ako?” He shook his head again. “No, it’s nothing. What I mean is, I need to go back work.” Tumayo at iniwan itong nagtataka. Bumalik siya sa kaniyang lamesa at nagpanggap na bumalik sa gawain. Dahil sa nalaman ay hindi niya alam kung paano ibabalik ang pokus sa trabaho. Soffie was Mikasa. She’s not just connected to

