TUMANGO si Nick sa sinabi ni Luke. Kanina lamang habang naliligo si Soffie ay nagawi ang kaniyang tingin sa labas ng bintana. Doon ay natanaw niya sa labas ng bahay hindi kalayuan ang dalawang magkasunod na sasakyan. Isa roon ay kilala niya ang nagmamay-ari. Tanda niya rin ang numero ng plate number nito. Ito ay kay Ellise. Nick was not stupid to act as if he did not know what she was planning. Batid niyang mayroon nanamang pinaplano si Ellise na hindi maganda. Kaya naman kaagad niya itong iniutos kay Luke. Palihim na sinundan ng ilan sa kaniyang mga tauhan si Ellise, sa isang lote nito ibinaba ang sakay na lalaki. They immediately investigated about the man, and they found out he was a professional killer. Kilala na ito sa larangan at wala pang naipapabalitang tao na nakaligtas. Hindi n

