Paano ba magpanggap na okay ka kahit na ang totoo ay durog na durog ka na at wala ng ganang mabuhay pa sa mundo? Napaka-Imposible ng sinasabi ni Brad. Pagod na pagod ang aking pakiramdam, mentally, emotionally and physically. Ilang oras na akong nakahiga habang nakatulala sa may kisame. Pilit na nag-iisip ng paraan at solusyon sa aking kinahaharap na problema, pero sumakit lang lalo ang aking ulo. Ang tanging solusyon lang naman ay magkasama kami ni Leo. Pero kung ipagkait pa iyon sa akin, mas mabuti na lang siguro na mamatay ako. Huminga ako nang malalim. Pero paano si Leo kung magpapakamatay ako? Nanghina akong lalo. Pero ano ang gagawin ko? Ni hindi na din ako kinakausap ni Mommy. Bihira na lang siyang magpunta dito sa aking silid, pero hindi din niya ako iniimik. Dumapa ak