DALAWANG GUHIT

2248 Words

Isa-isa kong hinubad ang aking damit sa harapan ng salamin. Nagawi ang aking paningin sa mga pulang marka sa aking katawan. Hinaplos ko ang mga ito. Ito ang marka na iniwan ni Leo sa aking balat kahapon. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin dahil sa magdamag na pag-iyak. Awang-awa ako sa aking itsura. Si Leo kaya, kumusta na? Baka binugbog siya ng kaniyang daddy. Sana naman ayos lang siya. NALIGO ako at nagbihis na. Dahil naka-locked mula sa labas ang pintuan ng aking silid, malakas ko itong kinatok. Alas-sais pa lang ng umaga. Mag-aalmusal na muna ako bago ako pumasok. Kahit gulong-gulo ang aking utak, hindi ko puwedeng pabayaan ang aking pag-aaral. "Please, pagbuksan niyo po ako ng pinto!" sigaw ko mula dito sa loob. "Mommy! Daddy!" Sumakit na ang palad k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD