Pumasok ako sa pangalawang subject ko, kahit pa ang isip ko ay sinasabing umuwi na lang ako. Ilang beses pa akong tinawag ng teacher kanina, pero wala akong masagot. Hindi naman niya ako pinagalitan. Marahil naiintindihan niya na may pinagdadaanan lang ako. Hindi naman ako ganito sa klase. Active ako lagi, mapa-activity man o recitation. Pag-uwi ko ng bahay, diretso ako sa aking kuwarto. Umiyak ako nang umiyak. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan sa eskwelahan ay parang gripo na umagos. "Anak, may problema ba?" tanong ni mommy sa akin. Nagpunas ako ng luha. "Wala po..." tanggi ko pero ang boses ko ay taliwas sa aking sinabi. Napahikbi na lang ako. Agad akong dinaluhan ni Mommy. Niyakap niya ako. "Baby, ano'ng problema?" nag-aalala niyang tanong. Umiling naman ako. "Wala? Umi