Patuloy na bumubuhos ang kuha sa aking mga mata habang binabaybay namin ang daan pauwi sa aming bahay. Tanging hikbi at tunog ng makina ng sasakyang ni Nicole lang ang maririnig. Tahimik lamang si Nicole at Janice. Nais kong pawiin at itigil ang pagbuhos ng luha sa aking mata dahil nakakahiyang nakikita nila akong ganito ngunit hindi ko mapigilan ang bugso nang damdamin. Pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Pinaramdam sa akin ang maging masaya at ang susunod ay maging malungkot. Kahapon lang nang nanood kami ng sine ni Kairo. Sobrang saya ko nang mga oras na 'yun, hindi ko alam na ganito pala ang kapalit. Napakasama at napakalupit ng tadhana. Hindi ko na napansin na tumigil na pala ang sasakyan sa harap ng aming bahay. Ni isa sa mga kasama ko ay hindi ako inawat sa pag-iyak. Hinayaan lama