Chapter Eleven Hindi ako nahirapan sa paglilinis ng buong mansyon ngayong araw dahil tatlo kaming gumagawa. Nag-alangan pa akong ipatuloy sa kanila ang dare dahil nakakahiya, mga amo ko pa rin sila, pero sinabi nilang tumutupad sila sa usapan at nag-e-enjoy na rin sa maid costume. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang silang ipagpatuloy ’yon. Naisip ko, hindi naman pala sila gano'n kalala tulad ng inaaakala ko. Mayroon din silang kabaitang tinatago. Kailangan lang talaga silang intindihin para makita ’yon. Natapos na kami sa paglilinis. Nagpahinga sina Sir Tymon at Sir Typhoeus sa sala habang ako ay nandito naman sa kusina. Pinaghahandaan ko sila ngayon ng meryenda. Nag-bake ako ng egg pie para sa kanilang anim at pinasobrahan na rin, baka sakaling umuwi si Mr. Montero at gusto ito