Chapter Ten Sa veranda kami pumunta. Presko ang hangin dito at maganda ang tanawin lalo na ngayong gabi, kaya ito ang maayos na lugar para pagpuwestuhan. Inilapag ko na sa mesa ang mga beer at naglagay ng ilang chips. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Sir Tymon pero dumistansya ako ng kaunti. “Are you sure with this? Puwede naman ’tong palitan ng Ladies drink,” suhestiyon niya. “Ladies drink lang po ba ang iniinom mo, Sir?” nakangiting tanong ko. Natawa lang siya at napailing. “Mukhang malakas ka talaga sa inuman, ha? Sige, let’s try.” Nagbukas siya ng dalawang beer at ibinigay sa akin ang isa. Sinimulan niya nang uminom. Akma sana akong iinom pero natigil ako nang makita si Sir Typhoeus na lumabas. Napatingin siya sa direksyon namin. “Ano’ng ginagawa n’yo?” walang emosyong tanon