Chapter Nine PINAGMASDAN ko sa malaking salamin ang maid uniform na suot ko habang sinusuklayan ang aking mahabang buhok. Panibagong araw na naman para pagsilbihan ang anim na kambal. Tinanggap ko ang offer ni Mr. Montero at naging maayos naman ang pananatili ko rito sa mga sumunod na araw. Wala pa ring nakukuhang bagong maid pero ang magandang balita, hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko sa kanila. Wala nang naging malalang isyu sa sextuplets at sa mga alaga nila. Medyo behave na rin si Sir Tylor. Baka sa ngayon lang ito pero mas maganda kung magtuloy-tuloy na. Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw, madalas silang kulang. Bihira kong nakikita si Sir Tymon na umuuwi. Minsan ko na nga lang siya maabutan, paalis pa siya ng mansyon. Hindi naman siya hinahanap ng kanyang mga kapatid