Chapter 18: Announcement. Matapos ng ginawa ko kay Elton, pakiramdam ko sobrang successful talaga ng ginawa ko dahil nagtagal talaga siya sa banyo. I wonder what he did inside pero nang makalabas siya, nagmadali siyang magpaalam sa akin. Kailangan niya na raw umuwi dahil tinawagan na siya ng mama niya. Well, I doubt na tinawagan talaga siya ni tita Kray dahil wala naman akong narinig na nakikipag-usap siya sa banyo. Ang narinig ko lang ay ang paglagaslas ng tubig mula sa gripo. Masaya akong pumasok sa school nang Lunes. Tiarra was waving at me saying sorry over a million times kasi hindi niya ako nadalaw pero imbes na magtampo ako sa kaniya, natutuwa pa nga ako. Kung hindi dahil sa kaniya kasi, hindj mangyayari ang lahat. Hindi sana ako magkakaroon ng pag-asa na ituloy ang mission I th

