"Tsk! Ako nga ang kasama mo nasa ibang dimension naman ang isip mo." Napaangat ang tingin ko sa harapan ko mula sa pagkakayuko ko sa cell phone ko. "Ano ba yan Hernandez? Kadiri ka! Parang boyfriend lang? Ayusin mo nga yang pagsasalita mo." sabi ko kay Hernandez na tila nandidiri. Tumawa naman ito ng tumawa at saka naiiling na lumagok sa beer na hawak niya. "Pano ba naman aayain mo ko uminom dito tapos naglalakbay ka naman. Tingin ko nasa ulap ka na eh." sagot nito. "Ulap?" nagtataka kong tanong. "Cloud 9! Parang yung mga taong nai-inlove. Sabi nga nila pag in-love ka para kang nakatuntong sa Cloud 9." sabi nito na may papikit-pikit pa. "Puro ka kalokohan...." naiiling kong sagot sa kanya. "Hindi kalokohan yun