Ako na yata ang pinakamasayang tao ngayon. Sa wakas ay nadakip na rin iyong taxi driver na muntik nang umabuso kay Janina. I will make sure na mabubulok talaga siya sa kulungan! Kaya andito kami ngayon sa isang condo unit ko. Dito kami nag-meet nila Hernandez at si Attorney Fulgar na siyang hahawak ng kaso ni Janina. Hindi ako sumang-ayon na PAO attorney ang hahawak ng kaso ni Janina. I want the best lawyer for her, kaya kagabi at the last minute, kinontak ko ang family lawyer namin. Hiniling ko na lang kay Hernandez at kay Attorney to be discreet with Janina. Baka kasi tumanggi na naman ito sa tulong ko. "Okay dito sa condo mo, pare. Bagong bili mo na naman ito?" tanong ni Hernandez. Nakaupo ito sa pang isahang sofa samantalang nasa mahabang sofa kaming tatlo ni attorney, at ni Janin