*****RUCIA***** “Hindi ba puwede?” Nabasa yata ni Aman ang pagkadisgusto niya sa sinabi nito na rerentahan ang isang kuwarto ng farmhouse. “Hindi naman sa gano’n,” nahihiyang aniya. Bakit kasi dito pa sa farmhouse nito gustong makipanuluyan? Ang dami namang puwedeng rentahan sa bayan. May mga boarding house or apartelle na siyang nakita roon. Meron ding mga resort. Wala nga lang five-star hotel kung iyon ang nais nito. “Kung nagtataka ka ay gusto ko kasi ng tahimik na lugar habang nagbabakasyon ako at napansin ko na perfect ang place na ito. Unless mabunganga ka?” “Hindi, ah. Ang tahimik ko kayang tao,” salamat at nagawa niya pa ring magbiro. Ibig sabihin ay siya pa rin si Rucia at hindi pa naapektuhan ng as in sa kaguwapuhan ng kausap. “Sabi ko nga.” Labas sa ilong ang tawa ni A