LUMIPAS ang mga sandali. Ilang pangalan ang nagsalita sa stage na pinalakpakan ni Astrid. Nagsimula na ring maggawad ng mga parangal. At sa loob ng mga lumipas na minuto ay isang beses lang sila nagpalitan ng salita ni Revor. Though they kept exchanging glances. Madalas ay si Astrid ang hindi makatagal at nagbabawi ng tingin. But when she would turn to look at Revor, she would find his eyes seemed to have fixed on hers. Parang siya ang pinanonood nito. Gayunman ay nakikita niya itong napalakpak sa bawat pagtatapos ng speech ng mga tumatanggap ng awards. “For the Exemplary Leadership Award, here are our nominees…” Napatutok na si Astrid sa stage habang binabanggit ang pangalan ng mga nominees. Doon kabilang si Liam. Hindi niya tuloy napigilang kabahan din para sa kaibigan.Hinawakan niya i