PASADO hatinggabi na nang maihatid ni Revor si Astrid sa bahay ng mga ito sa Laguna. Isang beses lang siya niyaya ni Revor na roon na sa bahay nito magpalipas ng gabi, pero hindi nakumbinsi si Astrid. She asked him to just take her to the nearest bus terminal para makauwi na rin ito at makapagpahinga. Kagagaling lang din ni Revor sa mahabang biyahe mula Dublin, pero hindi naman ito pumayag na bibiyahe siyang mag-isa. Hiniling niyang ihatid na lang siya nito sa hotel, pero sa bandang huli ay nagpasya si Revor na ihatid na lang siya sa kanila sa Laguna. Tiniyak naman ng binata na kaya pa nito ang mahaba na namang biyahe. Habang daan ay tinawag na ni Revor ang assistant nito para magpakuha kay Crisanto ng hotel room na malapit sa lugar nila. Alam niyang hindi na nito kayang bumiyahe pabalik