ISANG mamahaling condominium ang pinuntahan nina Astrid at Revor. Parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nasa Laguna siya at may mga nakaplanong gagawin para sa araw na iyon para sa buo niyang pamilya. Ngayon ay kasa-kasama siya ni Revor at hindi maalala ni Astrid kung paano siya nito nakumbinsing sumama sa kabila ng lahat. She could recall how her father tried to stop her. Pero siguro, dahil sa mga nangyari ay natuto na rin ang Daddy niya na magtiwala sa kaniya. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nilingon siya ni Revor. She was still untouchable. Sa buong panahon ng pagbiyahe nila mula Laguna hanggang Maynila ay nakita ni Astrid ang pagsisikap ni Revor na irespeto ang nais niya - ang huwag siya nitong hawakan. Nauna siyang lumabas ng elevator at huminto pagkatapos n