"WHAT took you so long inside the bathroom? Akala ko ay sa loob ka na matutulog dahil ayaw mo akong katabi." Lalong natigilan si Astrid sa tanong ni Revor. Buti na lang at nakabawi rin siya bago humakbang patungo sa tokador. "H-hindi naman sa gano'n. Matagal lang talaga 'kong gumamit ng banyo. Uh... m-matulog ka na ulit." "Ibig sabihin, okay lang sa'yo na dito ako sa tabi mo?" Hindi siya nakasagot. He smiled at her. Tumayo ito at lumakad papunta sa gawi niya. Natitigilang napatingin siya sa reflection ni Revor sa salamin habang palapit ito sa kaniya. He's still topless. Katiting lang ang liwanag, pero malinaw sa paningin niya ang mga linya ng muscles nito sa balikat at dibdib. Madali namang lumingon para mapagmasdan niya nang husto ang abs nito, pero tila siya napako roon. "Kung gano