PAGKATAPOS ng ilang minutong pakikipag-usap ay ibinaba na ng babae ang receiver. “I apologize, Ma’am, pero hindi po kayo kilala ni Mrs. Montenegro.” Malungkot akong ngumiti. “Uhm… b-baka nalilimutan lang ni Alyssa? Teka, Miss, nagka-amnesia ba siya pagkatapos ng nangyari sa kaniya?” di-napigilang tanong ko. Kung nagka-amnesia si Alyssa, paano na si Attorney Matthew? “Hindi po sa gano’n. Hindi lang sila basta tumatanggap ng dalaw kung hindi kakilala. Under investigation po kasi ang nangyari sa kaniya kaya limitado ang mga taong pumapasok para kausapin si Mrs. Montenegro.” “Ibig sabihin, nakakausap na si Alyssa? I mean, okay na ang kondisyon niya? Wala nang problema?” Tumango ang babae at bahagyang ngumiti. “Sa pagkakaalam ko po ay maayos na po ang lagay niya. Siguro, Ma’am, mag-iwan