Judgment Day

1858 Words

BASE sa nasaksihan ko kanina sa hearing, mukhang may laban ang kaso ni Attorney Matthew. Pero napansin kong kanina pa rin walang imik si Grant. “Pangga…” tawag ko sa aking asawa nang nasa kwarto na kami. Nilingon niya ako. “May problema ba?” Dinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga niya bago umiling. “Wala, Pangga. H’wag mo‘kong intindihin.” I slightly frowned. “’Yong totoo? Tungkol ba saan ‘yan?” Ilang sandali pa ang lumipas bago ko siya napaamin. “Hindi ko inaasahan ang naging sagot ni Matt kanina. Alam kong ikaw ang babaeng tinutukoy niya.” Lumapit ako at ikinawit ang mga kamay sa batok niya. “Kung anuman ang nararamdaman ni Attorney Matthew, sa kaniya na lang ‘yon. Hindi natin kontrolado ‘yon. Isa pa, wala itong kinalaman sa kaso niya. Don’t get distracted with this. Focus ka l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD