PARANG kailan lang nangyari ang lahat, at sa pangalawang pagkakataon ay iniwan na naman ako ni Celine. Gumuho muli ang mundo ko at pakiramdam ko ay wala talaga akong karapatang sumaya. Kung bakit sa bawat pagkakataon na magtatagpo kami, parati na lang may hadlang. Laging may problemang pilit naghihiwalay sa aming dalawa. I almost lose all my hopes. Ni hindi ko magawang magtiwala sa sinabi ni Celine na may tamang panahon para sa aming dalawa. And no, I didn’t want to leave everything to time and fate. Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko upang malaman kung saan siya nagpunta… “Hijo! Mabuti at napasyal ka,” bati sa akin ni Mommy nang salubungin niya ako. Dumaan ako sa bahay niya para magpaalam. Naabutan ko sila ni Tito Damien sa living room at mukhang may pinag-uusapan. Binati ako ni Tito D