NAHILOT ko ang aking sentido pagkatapos na rebisahin ang mga salaysay ng witness at ang ilang dokumento. Sumandal ako at tumingala sa kisame. Nasa loob ako ng opisina ni Mommy at ilang oras nang pinag-aaralan ang kaso. Aminado akong nahirapan akong hanapan ng butas ang testimonya ng witness ng prosecution. “Pangga…” Napatuwid ako ng upo nang marinig ko si Celine. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya. Isinarado niya ang pinto at naglakad papunta sa akin. Kinabig ko siya at iniupo sa aking kandungan. “Bakit gising ka pa? Hinihintay mo ba ‘ko?” Tumango siya. “Hindi ako makatulog. Matagal ka pa ba?” “Kaunti na lang. Pagkatapos dito, paakyat na rin ako.” She gazed at my face. “Ayos ka lang ba, Pangga?” Hindi ako nakasagot. Alam kong kahit hindi ako magsalita ay nararamdaman ni Celine na