FROM serious physical injury ay umakyat ang kaso ni Matthew sa attempted murder. Naghain ako ng Petition for Bail. Sinubukang ipa-kansela ng prosecution ang motion dahil nasa state of coma ang biktima, pero sa bandang huli ay pinanigan kami ng korte. Nakapagpiyansa kami ilang araw bago ang pre-trial ni Matthew. Kasama ko pa sina Daddy at Tito Damien nang sunduin ang kapatid ko sa presinto. “Thank you again for accepting this case. Malaking bagay na sa akin na naniniwala kang inosente ako.” “I’ll do my best to help you, Matt. Wala kang kasalanan at patutunayan natin ‘yan,” matamang sabi ko at tinapik sa balikat si Matthew. Dumating ang takdang araw ng pre-trial. Isinuot ko ang black coat bago bumaba ng sasakyan at tumungo sa hall of justice. Nakausap ko ang abogado ng PAO na naka-assign