NATUTULOG si Celine nang umalis ako kaya ibinilin ko na muna ito sa mga kasambahay. Nagsabi na naman ako sa kaniya na dadalawin ko si Matthew sa presinto, pero bago ‘yon ay sinadya ko muna si Judge Gamboa sa mansion nito. Pagdating doon ay agad akong sinamahan ng mayordoma sa opisina niya. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng kaniyang mesa. Nag-angat siya ng ulo at agad ngumiti nang makita ako. “Grant, what a surprise! Hindi ka man lang nagpasabi na darating,” bungad ni Lolo. Nagusot ang noo ko. The last time I talked to him, pinipigilan pa niya akong hanapin si Celine. Binantaan pa niya akong hindi na ako pwedeng umapak sa pamamahay niya oras na suwayin ko siya kaya nakakapagtaka na ganito ang naging pagsalubong niya sa akin. “Kasama mo bang umuwi ang misis mo? Nasaan siya?” Nagu